Friday, February 16, 2007

ANITA LINDA



Si Anita Linda ay isang artistang Pilipino. Una niyang pinasok ang paggawa ng pelikula sa panahon ng digmaan.

Ginawa niya ang Tia Juana subalit ito ay napalabas na noong 1943. Nang matapos ang digamaan noong 1946 ay agad na siyang kinontrata ng Premiere Production at dito siya nakagawa ng halos tatlong dosenang pelikula.

Una niyang pelikula sa Premiere ay ang Ngayon at Kailanman. Siya ay sumubok rin sa mga pelikulang aksyon tulad ng Bandilang Basahan at Dugo ng Katipunan na kapwa pinalabas noong 1949, Tatlong Balaraw at ang Nenita Unit ng Luzon Theaters Incorporated.

Si Anita Linda ang kauna-unahang nagwagi ng Maria Clara Award noong 1952 bilang Best Actress para sa kanyang pagganap sa pelikulang Sisa (1951). Noong 1976 at 1999, nakuha naman niya ang Gawad FAMAS (FAMAS Award) ng Filipino Academy of Movie Arts and Sciences (katugma ng Oscars ng Amerika sa Pilipinas) sa Pinaka-kapuri-puring Pagganap ng Isang Pangalawang Aktres (Best Performance by an Actress in a Supporting Role) para sa mga pelikulang Tatlo, Dalawa, Isa (1975) at Ang Babae sa Bubungang Lata (1998). Nakakuha din siya ng mga nominasyon mula sa FAMAS sa Pinaka-kapuri-puring Pagganap ng Isang Pangunahing Aktres (Best Performance by an Actress in a Leading Role) para sa pelikulang Nag-uumpugang Bato (1961) at Pinaka-kapuri-puring Pagganap ng Isang Pangalawang Aktres (Best Performance by an Actress in a Supporting Role) para sa mga pelikulang Bimbo (1969), Mrs. Teresa Abad, Ako Po Si Bing (1976), Mahal Mo, Mahal Ko (1978), at Bakit Bughaw ang Langit (1981). Siya rin ay ginawaran ng Natatanging Gawad Urian ng Manunuri ng Pelikulang Pilipino (Lifetime Achievement Award of the Filipino Film Critics) noong 1982 at ng Gawad Urian para sa Pinakamahusay na Pangalawang Aktres (Best Supporting Actress) para sa pelikulang Takaw Tukso (1986).

Pelikula
Taon Pamagat
1943 Tia Juana
1947 Ngayon at Kailanman
1947 Sekretang Hongkong
1947 Alias Sakim
1948 Ang Anghel sa Lupa
1948 Wala na akong Iluha
1948 Hiram na Pangalan
1949 Bakit Ako Luluha?
1949 Bandilang Basahan
1949 Kung Sakali ma't Salat
1949 Suwail
1949 Kay Ganda ng Umaga
1949 Dugo ng Katipunan
1949 Ang Lumang Bahay sa Gulod
1950 Tatlong Balaraw
1950 Punglo at Pag-ibig
1950 Prinsipe Don Juan
1951 Kapitan Bagwis
1951 Kadakilaan
1951 Sisa
1952 Luha ng Langit
1952 Bulaklak ng Nayon
1952 Tatlong Kabanata sa Buhay Ko
1952 Ngipin sa Ngipin
1952 Sawa sa Lumang Simboryo
1953 Malapit sa Diyos
1953 Carlos Trece
1953 Agilang Itim
1953 Siga-Siga
1953 Makabuhay
1953 Nenita Unit
1954 Ri-Gi-Ding
1954 Lourdes
1954 Playboy
1954 Guwapo
1954 Por Bida Gid
1954 Basagulera
1954 Bandolero
1955 Bandilang Pula
1955 Magia Blanca
1955 7 Maria
1956 Takya
1956 Ambrocia
1956 Buhay at Pag-ibig ni Dr. Jose Rizal
1956 Hokus-Pokus
1956 Haring Tulisan
1957 Viva Las Senoritas
1957 Ukelele Boy
1958 Mga Liham kay Tia Dely
1958 Obra-Maestra
1958 Matandang Tinale


For news articles about Ace Vergel go to CelebritiesCorner.

,,

No comments: