Saturday, December 30, 2006

ROSA MIA

ROSA MIA



Date of Birth:
1925
Date of Death:
28 November 2006

Si Rosa ay tinaguriang Ina ng Sampaguita Pictures sapagkat karamihan sa kanyang mga nagawang pelikula ay pawang nasa bakuran ng Sampaguita Pictures at nakatala siya ng halos tatlong dekada na ginampanan bilang isang matapang, uliran o martir na ina.

Unang nagbigay sa kanya ng pagkakataon gumanap bilang suporta sa mga malalaking artista si Fernando Poe para sa pelikulang Dugo ng Bayan (1946) kung saan gumanap siya bilang isa sa mga taong bayan noong panahon ng Hapon at ang makasaysayang pelikulang Intramuros (1946) na pinangunahan naman ni Fernando Poe na parehong produksiyon ng Palaris Pictures.

Taong 1947 ng nakagawa siya ng apat na pelikula ito ay ang Adbenturang Palaris ng Palaris Pictures, Bisig ng Batas ng McLaurin Bros, Hanggang Langit ng Kayumanggi Pictures at dalawa ang nagawa niya sa bakuran ng LVN Pictures ang pelikulang panlangit na Ang Himala ng Birhen sa Antipolo noong 1947 at ang Sumpaan noong 1948.

Taong 1949 ng kunin siya ng Sampaguita Pictures sa isang pelikulang Pampamilya ang Abogada na naging daan para magtuloy-tuloy na ang kanyang karera sa loob ng nasabing produksyon. Matatandaang gumanap siya bilang sosyal na mahirap na naging mayaman dahil sa pagsasabong ng kanyang mga anak na sina Dolphy, Boy Alano at Lolita Rodriguez sa pelikulang Sabungera at papel na isang ulirang ina ni Rogelio dela Rosa na may kapansanan sa mata sa pelikulang Maalaala mo Kaya (1954).

Gumanap din siya bilang relihiyosang ina ni Gloria Romero sa pelikulang Anak sa Panalangin, isang mayamang mataray sa komedyang handog ng Sampaguita ang Despatsadora at pangkaraniwang ina ng isang malakas na babaeng si Lolita Rodriguez sa pelikulang Binibining Kalog

Magaling din ang pagkakaganap niya bilang anak ng kambal na si Luis Gonzales sa pelikulang Ikaw ang Buhay ko at isang inang pagala-gala na pilit hinahanap ng isang anak na si Juancho Gutierrez sa madramang pelikula ng taon ang Inang Mahal.

Si Rosa ay sumakabilang buhay noong Nobyembre 28, 2006 isang buwan bago ang kanyang kaarawan. Namatay siya ng "natural causes" at walang hirap na dinanas. ang kanyang magiging huling hantungan ay sa Holy Cross cemetery sa Novaliches, Q.C.

Si Rosa Mia ay may 10 kapatid at ikatlo na siya sa mga namahinga dito. 81 taong gulang nung siya'y kinuha sa atin ng panginoon.

1. Maharlika (1985)
... aka Guerilla Strike Force (International: English title)
2. Pinay, American Style (1980)
3. Tatlong patak ng dugo ni Adan (1980)

4. Hanggang sa kabila ng daigdig: The Tony Maiquez story (1973)
5. Hindi kita malimot (1973)
6. Hulihin si... Tiagong Akyat (Santiago Ronquillo) (1973)
... aka Tiagong akyat (Philippines: Tagalog title: short title)
7. Pepeng Agimat (1973)
... aka Pepeng Agimat - Sa daigdig ng kababalaghan (Philippines: Tagalog title)
8. Huwad (1971)
9. Bakit ako pa? (1970)

10. Pinagbuklod ng langit (1969) .... Nana Sepa
... aka Heaven's Fate (International: English title)
11. Dobol Wedding (1968)
... aka Double Wedding (Philippines: English title)
12. Junior Cursillo (1968)
13. Mamatay ng dahil sa iyo, Ang (1968)
14. Manila, Open City (1968)
15. Siete dolores (1968)
16. Bakit pa ako isinilang? (1966)
17. Kapag langit ang umusig (1966)
18. Mama (1966)
19. Sa bawa't lansangan (1966)
20. Iginuhit ng Tadhana: The Ferdinand E. Marcos Story (1965)
21. Ana-Roberta (1965)
22. Magkakapatid na waray (1964)
23. Fighting Waray sa Ilocos (1964)
24. Anak, ang iyong ina! (1963)
25. Apat ang anak ni David (1963)
26. Historia de un amor (1963)
27. Manananggol ni Ruben, Ang (1963)
28. No Man Is an Island (1962) .... Primera Quintagua
... aka Island Escape (UK)
29. Batas ng lipunan (1961)
... aka The Laws of Society (Philippines: English title)
30. Operatang sampay bakod (1961)
31. 28 de mayo (1960)
32. Ipagdarasal kita (1960)
33. Salamat po doktor (1960)

34. Kamandag (1959)
35. Angel sa lansangan (1959)
36. Ikaw ang aking buhay (1959)
37. Sandra (1959)
38. Ako ang maysala! (1958)
39. Tatlong ilaw sa dambana (1958)
40. Ulilang angel (1958)
41. Pasang krus (1957)
42. Pretty Boy (1957)
43. Gilda (1956)
44. Tumbando caƱa (1956) .... Desta
45. Inang mahal (1956)
46. Binibining kalog (1955)
47. Rosana (1955)
48. Mariposa (1955)
49. Tangi kong pag-ibig, Ang (1955)
50. Despatsadora (1955)
51. Waldas (1955)
52. Sabungera (1954)
53. Anak sa panalangin (1954)
54. Maalaala mo kaya (1954)
55. Menor de edad (1954)
56. Kiko (1953)
57. Inspirasiyon (1953)
58. Recuerdo (1953)
59. Rebecca (1952)
60. Roberta (1951)
61. Batas ng daigdig (1951)
... aka Rules of the World (Philippines: English title: literal title)

62. Abogada (1949)
63. Sumpaan (1948)
64. Hagibis (1947/II)
65. Dugo at bayan (1946)

No comments:

Post a Comment